PINANGUNAHAN ni Agriculture Secretary William Dar ang paglalagay kahapon ng disinfectant sa bahagi ng dinaraanan ng mga turista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Katuwang ni Dar ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) na pinamumunuan ni Dr. Rey Quilang na nag-set up ng naturang disinfectant pangontra sa iba’t ibang uri ng sakit na mula sa mga hayop.
Kasunod nito, nagsagawa rin ng paglilibot si Dar para inspeksiyunin ang naturang paliparan para masigurong malalagyan ng mga disinfectant ang mga daanan ng mga nagdadatingang foreign at local tourists sa bansa.
Layon nitong maiwasan ang anumang mas malalang apektong dulot hindi lamang ng African Swine Fever (ASF) kundi maging ng iba pang mga nakaambang sakit mula sa mga hayop mula sa abroad.
Umaasa ang kalihim na sa pamamagitan nito ay mapapahina ang pagpasok ng iba’t ibang uri ng sakit na galing sa mga hayop upang hindi makaapekto sa livestock industry ng bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.