MARIKINA CITY – ILULUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lungsod ang programang Disiplina Muna.
Pangungunahan mismo ni DILG Secretary Eduardo Año ang launching kasama si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro gayundin ang mga alkaldeng bumubuo ng Metro Manila Council.
Ikalawa ang Marikina sa mga lungsod sa Metro Manila na naging pilot cities ng Disiplina Muna sunod sa Maynila dahil sa pagiging huwaran sa pagtataguyod at mahigpit na pagpapatu-pad ng disiplina sa kanilang mamamayan
Matatandaang nanguna ang Marikina City sa mga lugar sa Metro Manila na nakasunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mga bangketa sa publiko at linisin sa anumang sagabal sa mga kalsada. ELMA MORALES