RIZAL – TINIYAK na ligtas ang pamimili sa tinaguriang “Garments Capital” dahil ipinatutupad ang disiplina sa mga negosyante at mamimili sa Taytay Tiangge na nasa Club Manila East.
Ang pangkalahatang tagapangasiwa ng tiangge na si Vic Badaguas ay inatasan ni Mayor Joric Gacula na ipairal ang maayos na operasyon sa lugar lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na daragsain ng mga mamimili at mga negosyanteng mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa murang presyo ng mga damit, textile sapatos at iba pang mga produkto na maipagbebenta naman ng mga negosyante sa kanikanilang mga lugar.
Ang Taytay Tiangge ay may pitong mga organizer at ang kanilang mga tenant na patuloy pang dumarami ay aabot na sa 7,000 o mga nagtitinda ng iba’t ibang mga produktong dinarayo at inaangkat ng mga negosyante.
Mahigpit na ipinagbabawal sa lugar ay ang paninigarilyo na ipinaaabot sa lahat ng mga magsisitungo sa lugar na iwasan o huwag maninigarilyo upang huwag humantong pa sa pag-aresto sa mga pasaway na smoker. ELMA MORALES
Comments are closed.