Ngayong araw na ito, September 21, 2024, ay ika-43 taon na nang lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Proclamation 1081 na nagdedeklara ng Martial Law.
Ano ba ang Martial Law? Ito ay pagsasailalim ng batas militar, ibig sabihin disiplina at kasama na rito ang curfew.
Nangangahulugan na may oras na dapat nasa loob na ng tahanan ang Pinoy noon upang proteksyon sa kanila habang naglalayon din na mapigilan ang kriminalidad o kaya naman ay pagbabanta sa gobyerno.
Tanging ang mga pagbabanta ng pag-aaklas ang tinutukan ng pamahalaan dahil nagpatuloy pa rin ang araw-araw na aktibidad ng mamamayan gaya ng edukasyon, kalakalan, mga aktibidad sa kalusugan, sports, pangingibang bansa at pagnanais ng sinuman na umunlad ang pamumuhay.
Tinawag na batas-militar dahil sa disiplina sa gabi lalo na’t noong panahong iyon ay may banta mula sa mga taong labas at ginagawa ang kanilang paghahasik ng gulo kapag gabi.
Kasaysayan na ang magsasalita kung ang buong Filipino ay biktima ng batas militar.