DISIPLINADO, MASUNURIN HANGAD SA PCG TRAINEES

KAILANGAN na maging disiplinado at masunurin ang trainees na sasailalim sa Coast Guard Non-Officer’s Course (CGNOC) sa PCG regional training centers sa Taguig, La Union at Zamboanga.

Ito ang hamon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu sa nasa 1,325 trainees na sasailalim sa CGNOC na sasabak sa anim na buwang pagsasanay.

Kahapon ay nagsama-sama ang mga trainee ng CGNOC Class 90, Class 91, at Class 92 sa Pier 13, Port Area, Manila para sa joint oath-taking at convening ceremony.

“It is expected of every Coast Guard personnel to be an individual of character. I want to emphasize the importance of discipline and obedience. You need to learn and cultivate the culture of respect, trust, teamwork, and good human relations,” wika ni Abu.

Sinabi ni Abu na mahalaga ang mga pagsubok na pagdaraanan sa training center para maging epektibong kabahagi ng PCG sa pagtupad ng mga mandato nito.

“You must be physically fit, academically proficient, and a public servant with a strong foundation of virtues and character. We expect no less from all of you,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Abu ang mga magulang na sumusuporta sa kanilang mga anak sa pagkamit ng pangarap na makapasok sa PCG.

“Thank you for entrusting your sons and daughters under our supervision. We assure you that we will do our best for them to become better versions of themselves,” pahayag ni Abu.

“To our trainees, strive hard for excellence! I challenge all of you to finish the course. Walang mag-re-resign. Walang mag-qu-quit sapagkat napakaraming kabataang Pilipino ang nagnanais na mapabilang sa inyo. Huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ito,” pagtatapos nito. BETH C