NGAYON pa lang ay umiinit na ang ulo ng marami dahil sa tindi ng traffic. Wala ng oras ang traffic. Wala na ring pini-piling araw. Kaya tuloy, gumugugol ang marami ng matagal na oras sa kalye. Marami rin tuloy ang inaabot ng init ng ulo sa daan. Samantalang ang iba naman ay nale-late na sa kanilang pupuntahan.
Kung ngayon pa lang ay sobrang traffic na, paano na kaya sa mismong araw ng Pasko at Bagong Taon. Baka naman hindi na gumalaw ang mga sasakyan. Kaya naman, narito ang ilang diskarte tips nang maiwasan ang traffic at hindi ma-late sa pupuntahan ngayong holiday:
Kung tutuusin ay napakahirap iwasan ang traffic. Talaga nga namang saan ka man mapalingon, mapapansin mo ang tila hindi gumagalaw na mga sasakyan.
Kaya ngayong holiday, isang paraan upang hindi ma-late at makarating ng tama sa oras sa pupuntahan ay ang pag-alis ng mas maaga.
Kung mas maaga rin tayong aalis ay maiiwasan nating mainis sa daan lalo na kung bumabagal ang daloy ng trapiko.
Sa bahay pa lang ay kalmahin na natin ang ating sarili. Kumbaga, isipin na natin kung ano ang maaari nating makaharap sa daan. At itatak na rin natin sa ating sarili na kahit na agahan natin ang pag-alis ay maaari pa ring abutan tayo ng traffic.
Iwasan din siyempre ang makipag-away. Walang maidudulot ang pakikipag-away lalo na sa kalye. Problema lang ang dulot nito.
Hindi nga naman maiiwasan ang traffic at tiyak na titindi pa ito ngayong holiday, dahil diyan ay kailangan nating alamin kung anong araw at oras titindi ang traffic hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa mga lugar na dinarayo ng marami o probinsiyang inuuwian ng ating mga kababayan.
Tuwing Disyembre nga naman ay dumarami ang nagta-travel kumpara sa regular na araw o buwan. Ayon sa data ng Waze noong nakaraang taon, tumataas ng 10 percent ang gumagamit ng nasabing apps tuwing Disyembre.
At dahil marami ring sasakyan sa kalye, naitala ring tumaas ng 12 percent ang gumagamit ng Waze kumpara sa regular na bu-wan.
Dahil dito, malaki ang tiyansang ganoon o mas dumami pa ang mga sasakyan sa kalye ngayong holiday season. Nang maiwasan ang mahabang oras sa kalye, naglabas ang Waze ng best at worst time to travel on the road.
Sa Metro Manila, ang best time nang pagbiyahe sa December 24, after 5 pm. Ang worst time naman sa gayunding araw ay ang 2 to 11 AM. Sa December 25 naman, best time ang after 4 PM at worst time ang 4 to 5 AM at 10 to 11 AM.
Sa mga probinsiya naman gaya ng Naga, best time namang mag-travel sa December 24, after 12 PM. Worst time naman ang 7 to 8 AM. Sa December 25 naman, after 1PM ang best time at ang worst ay 11 to 12 PM.
Sa Angeles, sa December 24, best time na mag-travel ng after 12 PM. Worst time naman sa gayunding araw ang 3 to 4 AM at 7 to 8 AM. After 3PM naman ang best time mag-travel sa December 25. Worst time naman ang 4 to 4 AM at 11 to 12 PM.
Sa Batangas naman, mainam ang paglabas sa December 24 sa mga oras na 11-12 PM. Worst time naman ang 11-12 AM. Sa December 25 iwasan naman ang paglabas ng bahay sa pagitan ng 2 to 3 AM at 7 to 8 AM. Ang magandang oras naman ay sa um-aga, sa pagitan ng 8 to 9 AM.
After 11 AM naman ang best time sa Davao City sa December 24 kung nais na maglagalag. Worst naman ang mga oras na 2 to 3 AM. Pagdating naman ng December 25, after 5 PM ang best time samantalang 5 to 6 AM, 8 to 9 AM at 1 to 2 PM ang worst time.
Hindi nga naman maiiwasan ang traffic ngunit magagabayan tayo sa ating trip sa pamamagitan ng Waze Planned Drives.
Problema at kung minsan pa ay nakawawala ng gana ang paglabas lalo na kung matindi ang traffic. Gayunpaman, may mga diskarte tips namang maaaring gawin. CT SARIGUMBA
Comments are closed.