DISKRIMINASYON SA PUBLIC TRANSPORT, PINALAGAN

Atty Ariel Inton

KINONTRA ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang anumang diskriminasyon sa public transportation.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP na hindi pagpapasakay sa isang pasahero dahil sa hitsura, timbang, edad, kulay, kasarian o lahi ay isang matinding franchise violation na “refusal to convey passenger.”

Ipinaliwanag nito na overcharging namang matatawag kung ang “matabang” pasahero ay sisi­ngilin ng higit sa singil sa isang pasahero.

Aniya, walang memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagpapahintulot ng doble singil sa isang matabang pasahero at ang hindi pagpapasakay nito.                 BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.