(Diskwalipikasyon nakaamba?) GOV’T VEHICLE GINAMIT NG MAG-ASAWANG SANDOVAL

MAINIT na usapan ngayon sa Malabon ang posibleng diskwalipikasyon ng mag-asawang Sandoval. Ito ay matapos ang mariing pagkondena ng mga taga-Malabon sa diumano’y paggamit ng mag-asawang Malabon ma­yoral candidate Jeannie Sandoval at congressional candidate Ricky Sandoval ng mini bus ng Department of Health (DOH) sa kanilang panga­ngampanya.

Nilagyan pa ito ng kanilang tag-line na #KAKAMPI sa harapang bahagi ng sasakyan.

Nakasaad ang mga election offenses o ang mga hindi maaaring gawin ng isang kandidato sa panahon ng kampanya sa Omnibus Election Code, partikular sa Article 22 Section 261 prohibited acts: “any equipment, vehicle, facility, apparatus, or paraphernalia owned by the government or by its political subdivisions, agencies including government-owned or controlled corporations, or by the Armed Forces of the Philippines for any election campaign or for any partisan political activity.”

Alinsunod sa batas, pinagtibay nito na lumabag ang mag-asawang Sandoval sa Omnibus Election Code, kaya nanawagan sa Commission on Elections (Comelec) ang ilan sa mga botante ng Malabon na maimbestigahan ang pangyayari.