DISKWALIPIKASYON NG ILANG PARTYLIST, INAYUNAN

INAYUNAN ni Senador  Ronald dela Rosa ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na idis­kwalipika  ang ilang partylist sa darating na 2022 national elections

Kabilang dito, ayon kay dela Rosa ang Abante Sambayanan ng da­ting kadre ng NPA na si Ka Eric Celiz na may layuning labanan ang mga komunista sa bansa.

Subalit iginiit ni Sen. Bato na dapat tingnan ng Comelec kung ang mga partylist na kanilang pinayagan ay ang totoong kumakatawan ng marginalized sector.

Ang Abante Sambayanan ay grupo ng mga dating kadre at miyembro ng CPP-NPA-NDF na nagbalik-loob na sa gobyerno.

Samantala, hindi na muna magsasabi  ang senador  kung sino na ang kanyang susuportahan na presidentiable.

Ito’y hanggat hindi pa opisyal umano ang pag-atras ni Sen. Bong Go mula sa kanyang kandidatura. LIZA SORIANO