TATLUMPU’T limang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang sinampahan ng disqualification case ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa premature campaigning.
Ang pagsasampa ng disqualification case ay pinangunahan mismo ni Comelec Director Nick Mendros, pinuno ng “Task Force Anti-Epal.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, posibleng madadagdagan pa ang bilang ng masasampahan ng kaso sa patuloy na pagsusuri ng ahensya sa mga inihaing reklamo laban sa mga kandidato.
Sa inisyal nilang pagtataya, inaasahan na mayroong 194 posibleng DQ cases na maihahain nila.
Inaasahan na mareresolba ang mga kasong ito bago sumapit ang Oktubre 30.
Sinabi ng poll chief na magsasagawa ng “summary proceeedings” ang dibisyon habang hindi na sila kailangang magsagawa ng full-blown hearing sa bawat petisyon.
Umaabot na sa 2,857 na show cause orders ang naipalabas ng Comelec. Sa naturang bilang, nasa 404 kandidato lamang ang nagpadala ng kanilang tugon. PMRT