DISQUALIFICATION NI REYES HINILING

HINILING ng mga botante sa Commission on election (Comelec) na idiskwalipika si dating Palawan Gov. Mario Joel Reyes sa kandidatura nito sa darating na eleksiyon matapos na ito’y mahatulan o ma-convict ng Sandiganbayan sa kasong Anti Graft and Corrupt Practices Act na may katapat na parusang pagkakakulong at diskwalipikasyon na makaupo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Sa 16-pahinang petition for disqualification nina Nasir Radjudin Miranda at Mohammad Vinarao Asgali, pawang botante at residente ng Batazara, Palawan, hiniling ng mga ito na kanselahin ng Comelec ang certificate of candidacy nito para makatakbong gobernador ng Palawan dahil sa pagiging “pugante” nito matapos na umalis sa bansa para matakasan ang warrant of arrest laban sa kanya matapos na masangkot sa pagpatay sa kanyang bodyguard na naging testigo laban sa kanya sa pagpatay sa anti-corrupt crusader at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

“Petitioners, as registered voters in the province of Palawan, respectfully allege that gubernatorial candidate Mario Joel T. Reyes for the province of Palawan, is disqualified to run for public office based on a decision of a competent court finding the respondent guilty beyond reasonable doubt of the crime of violation of Section 3(e) of Republic Act No. 3019, and thereafter sentenced to an indeterminate penalty of imprisonment of six years and one month as minimum, to eight years, with perpetual disqualification from holding office,” ani ng mga petitioners na inasistihan naman ng Vergara Mamañgun Jamero Law Offices.

Ang kaso ni Reyes ay nag-ugat matapos na aprubahan nito ang renewal ng permit ng isang small scale mining company sa kabila ng napakaraming paglabag na ginawa nito na nagiging sanhi ng pagkasira ng kalikasan sa nasabing probinsiya.

At noong Agosto 29,2017, hinatulang guilty si Reyes ng Sandiganbayan kung saan binabaan din siya ng parusang pagkakakulong ng anim na taon at hindi na papayagan pang magkaroon ng anumang posisyon sa gobyerno.

“The disqualification from public imposed on the respondent is clear and undeniable, the disqualification of the respondent as gubernatorial candidate of the province of Palawan for the 2022 National and Local Elections is necessarily called for,” ani pa ng mga petitioner.

Anila, dapat umanong tingnan ng Comelec ang pagiging pugante ni Reyes nang takbuhan nito ang warrant of arrest laban sa kanya na ipinalabas ng Court of Appeals noong Disyembre 2019 para sa prosecution nito sa pagkamatay ni Ortega.

Si Reyes ay naaresto sa Thailand noong 2015 at pinabalik sa Pilipinas upang harapin ang kabi-kabilang kaso laban sa kanya.

“Wherefore, premises considered, it is respectfully prayed of the Honorable Commission that respondent Mario Joel T. Reyes be declared disqualified to run any elective position,” dagdag pa ng mga petitioner.