Distance learning palalaganapin sa bansa

Nag-atas ang Department of Education sa lahat ng pampublikong paaralan, na magpatupad ng distance learning simula April 8 ngayong taon, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magawa ang mga nabinbing assignments, projects at iba pang requirements na inatas ng guro na gawin nila.

Maging ang mga guro at non-teaching personnel sa mga public schools ay hindi na rin kailangang magtungo sa paaralan.

Hindi lamang umano ito para sa ipit na araw kung saan kasama ang Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr kundi sa alin manga raw kung saan magkakaroon ng ganitong sitwasyon.

Sa mga private schools naman, depende umano sa kanilang diskresyon kung magpapatupadsila ng distance learning o hindi.

Ang distance learning ay paraan ng pag-aaral kung saan ang mag-aaral at guro ay hindi nire-require na pumasok sa iskwelahan physically. Ibinibigay ang learning materials at lectures sa pamamagitan ng available online. Pwedeng mamalagi ang learners sa kanilang bahay o kung saan man nila nais na lugar, habang nag-aaral.

Kasama dito ang Onnline Distance Learning, Modular Distance Learning at Blended Distance Learning.

Nauna ang Polytechnic University of the Philippines sa pagtatatag ng Polytechnic University of the Philippines Open University (PUP OU) noong 1990. Ito ang bago at innovative system sa pagtuturo sa kolehiyo, na naiiba sa tradisyunal na pormal, highly structured, at classroom-oriented traditional classes.

Sinundan ito ng University of the Philippines noong 23 February 1995, nang itatag nila ang University of the Philippines Open University (UPOU) na nagsasagawa ng online teaching and learning at patuloy na nangunguna sa kalidad ng pag-aaral.

Nang magpoandemya, maraming iskwelahan ang napilitang magsagawa ng distance learning dahil ipinagbawal ang paglabas sa ga tahanan for safety purposes. NLVN