DISTRIBUSYON NG CASH AID NAPADALI SA ALALAY NG 130 GURO

Edwin L. Olivarez

NAGING mas madali ang distribusyon ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa cash aid na galing sa Social Amelioration Program (SAP) dahil sa 130 mga guro ng day-care centers na tumulong sa mga opisyales ng barangay, social workers ng City Social Welfare and Development (CSWD) at disbursing officer ng City Treasurer’s Office upang maipamahagi ang naturang ayuda ng gobyerno.

Sinabi ni Mayor Edwin L. Olivarez, kanyang ipinagbigay-alam ito sa kanyang mga konstituwente kamakailan matapos ang kanyang pag-anunsyo sa mga guidelines para sa mas madali at mas mabilis na distribusyon ng cash aid sa mga kwalipikadong benipisyaryo sa lungsod.

Para naman kay City Public Information Office chief Mar Jimenez, sinabi nito na mahigit 50 porsiyento sa kabuuang 77,000 na kwalipika-dong bernipisyaryo na nakatala sa CSWD ay nakatanggap na ng ayuda sa SAP.

Samantala, nasa P135-milyon na galing sa quick response fund ng lokal na pamahalaan ang iginugol sa pagbili ng iba’t-ibang uri ng gulay at 100,000 kilo ng asukal na isinabay sa food packs na naipamahagi sa mga residente sa lungsod.

Sa panig naman ni City Treasurer Anthony ‘Anton’ Pulmano, ang iba’t-ibang klase ng gulay tulad ng talong, kalabasa, sayote, broccoli, cauliflower, sitaw, ampalaya, sibuyas at maging ang asukal, ay isinabay sa pamamahagi ng mga food packs upang magkaroon ng sustansya ang mga kakainin ng mga residente ng lungsod. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.