DISTRIBUSYON NG CASH AID SA MGA ESTUDYANTE SA PASAY ITINAKDA

INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang susunod na iskedyul sa pamamahagi ng financial assistance para sa mga learners ng lungsod.

Inanunsyo ng Department of Education na tatlong eskuwelahan ang nakaiskedyul na mamamahagi ng financial assistance sa Hunyo 8 at 9.

Kabilang sa mga eskuwelahang mamamahagi ng financial assistance sa nabanggit na petsa ay ang P. Villanueva Elementary School na mayroong 1,093 learners; Jose Rizal Elementary School na mayroong 2,166 learners at Pasay City North M. dela Cruz na mayroon namang 1,943 learners na makatatanggap ng ayuda sa lokal na pamahalaan.

Naka-iskedyul din ang pamamahagi ng financial assistance sa Hunyo 9 ay ang eskwelahan ng Pasay City Science High School na may 693 learners; Philippine School for the Blindna may 20 learners at Philippine School for the Deaf na mayroong namang 47 learners.

Para naman sa mga makatatanggap ng financial assistance na naka-iskedyul sa Hunyo 10 at 11 ay magsasagawa ng pamamahagi ng financial assistance sa mga learners ng Don Carlos Village Elementary School na mayroong 2,168; Rivera Village Elementary School na may 1,610 at Juan Sumulong Elementary School na mayroon namang 1,999 na benepisyaryo.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang kabuuang bilang ng benepisyaryo sa ipamamahaging financial assistance ng lungsod ay aabot sa 29,129 learners ng 18 eskwelahan sa elementarya at sekondaryo gayundin ang dalawang nabanggit na espesyal na eskwelahan. MARIVIC FERNANDEZ

2 thoughts on “DISTRIBUSYON NG CASH AID SA MGA ESTUDYANTE SA PASAY ITINAKDA”

  1. 283313 839922Delighted for you to discovered this site write-up, My group is shopping far more often than not regarding this. This can be at this moment definitely what I are already seeking and I own book-marked this specific website online far too, Ill often be maintain returning soon enough to look at on your special blog post. 250256

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *