DITO NAMAN TAYO SA MAXIMALISM INTERIOR DESIGN

SA nagdaang dekada, namayagpag ang minimalism sa fahion at home design, ngunit mula 2020, unti-unting naitulak ng maximalist designs ang minimalism. Ayon sa mga interior design experts, “maximalism is back and minimalism is dead.” Tulad ng minimalism, may dahilan kung bakit namayagpag ang maximalism. Isa na dito ang pandemya.

Minimalist Interior Design vs. Maximalism

Bago ang lahat, talakayin muna natin kung bakit nauso ang minima­lism sa nagdaang dekada. Kadalasan, dating pinipili ng mga tao ang minimalist style dahil naka-focus ito sa basic essentials. Sa home design, ang minimalism ay break sa napakaingay na mundo.

Isa pang dahilan kung ba namayagpag ang minimalism ay dahil originally, ito ay statement laban sa overconsumption – paraan upang maipakitang hindi dapat bumili ng mga bagay na hindi gaanong kailangan. Gayunman, sa paglipas ng taon, ang minima­lism na naging simbolismo ng sophistication na mayayaman lamang ang may kakayahan,  ay naging  kultura sa mahabang panahon.

Ang COVID-19 at ang Maximalism

Sa unang tatlong buwan ng 2020, naiba ang pamumuhay ng mga tao. Dati, malaya tayong lumalabas, pero ngayon, halos lahat ng mahahalagang gawain ay ginagawa na sa bahay – through online, dahil hindi safe lumabas.

Nakakaburyong! Nakakainip! Araw-araw, ang nakikita natin ay ang apat na sulok ng ating bahay. Dalawang taong mahigit nang ganito ang sitwasyon, at nais naman syempre nating magkaroon ng kasiyahan sa loob ng sarili nating bahay. Kung hindi tayo makakalabas, sa loob ng bahay tayo magsaya. Sa halip na pakatitigan ang puting dingding, kinulayan natin ito at nilagyan ng design. Ang estilo, tulad ng moda, ay masasabing repleksyon ng kultura at nakatulong ang pandemya para magawa natin ito. Kung nais ninyo ang maxima­list style for your home, madali lang yan, dahil ang kulturang Filipino ay talaga namang maximalists. Gusto ninyo ng sample? Tingnan na lang ninyo ang jeepney kung gaano ito ka-maximalist.

Maximalism sa bahay mo

Obviously, ang maxi­malism ay kabaligtaran ng minimalism, dahil dito, kailangan mong gumamit ng maraming kulay, paulit-ulit na patterns, at texture sa tamang paraan. Konting pagkakamali lang, ang maximalism mo ay magiging magulo lalo na kung mawawala ang ba­lanse at continuity. Upang makuha  ang gusto mo, itapon ang kasabihang “less is more.”

Sa isang banda, may posibilidad na ang mga furnitures ay magka-clash kapag sumunod ka sa design ng maximalism. Magkakaroon ng contradiction sa rule of balance and continuity – pero maaari mo itong gawan ng paraan sa pamamagitan ng pagbi-blend. Minsan, hindi naman talaga kailangan ang perfect match para maging perfectly ang kaayusan.

Masaya at malili­wanag na kulay ang cheerful, bright colors also definition ng maximalism. Kung gusto mo ang maximalist color, iwasan ang neutral tones at pagpi-play safe. Sa halip, mag-experiment ka at subukan ang bold colors nan agma-match sa iyong personalidad.  JAYZL VILLAFANIA NEBRE