DITO ‘TROJAN HORSE’ NG CHINA TELECOM PARA MAG-ESPIYA SA PINAS — SENADOR

SEN HONTIVEROS - DITO

MAAARING ginagamit ng China Telecom ang Dito Telecommunity bilang “Trojan Horse” para makapag-espiya sa Pilipinas, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“Hindi ako magtataka kung ang ChinaTel ay sadyang bumili ng stakes sa Dito Telco para mas malalim ang magagawang pag-eespiya sa ating bansa, lalo na at may pansariling interes ang Tsina sa ating mga teritoryo,” pahayag ni Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, patuloy siya sa pangangalampag sa National Security Council (NSC) para magsagawa ng security audit sa Dito, ang third telco player ng bansa, para matiyak ang seguridad ng bansa.

“Maaaring ‘Trojan Horse’ nga ang Dito ng ChinaTel kaya tuloy-tuloy ang ating pangangalampag sa Dito at pati na rin sa NSC para masiguradong hindi nagiging bulnerable ang ating pambansang seguridad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawa ang mungkahi nating matagal na na magsagawa ng security audit sa Dito,” giit ng senadora.

Noong 2019 ay naghain din si Hontiveros ng isang resolusyon para siyasatin ng Senado ang national security implication ng kasunduan na nagpapahintulot sa Dito na magtayo ng cell sites sa loob ng mga military base ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Hindi kaila na ang Tsina ay may malaking interes na angkinin ang West Philippine Sea at kung isasaalang-alang ang mga aksiyon ng kanilang mga barko lalo na nitong taon, lantaran nilang gagawin ang lahat — bumili man ng telcom o ng power system — para mapasakanila kung ano ang atin,” dagdag pa ni Hontiveros.

Nauna na ring nagbabala ang isang Australian lawmaker na ginagamit ng China ang Communist Party-controlled and owned instrumentalities tulad ng ChinaTel at Dito bilang “Trojan Horses” upang mapasok ang imprastruktura ng maliliit na bansa sa Indo-China region.

Sa isang talumpati sa Australian Senate kamakailan, sinabi ni Queensland Senator James McGrath na panahon na para harapin ang banta ng China, kung saan partikular siyang nababahala sa 40 percent share ng ChinaTel sa Dito.

“Many are concerned that Dito Telecommunity is a Trojan horse for spying, including on the armed forces of the Philippines and its allies the United States and Australia,” aniya.

“When we consider how many Australian companies house parts of their businesses in the Philippines, such as call centres, this should ring alarm bells with cybersecurity experts,” dagdag pa ni McGrath.

8 thoughts on “DITO ‘TROJAN HORSE’ NG CHINA TELECOM PARA MAG-ESPIYA SA PINAS — SENADOR”

  1. 580464 209270I like the valuable details you offer inside your articles. Ill bookmark your weblog and check once more here often. Im quite certain Ill learn a lot of new stuff appropriate here! Best of luck for the next! 578559

  2. 353047 656168His or her shape of unrealistic tats were initially threatening. Lindsay utilized gun very first basic, whereas this girl snuck outside by printer ink dog pen. I used completely sure the all truly on the shade, with the tattoo can be taken from the body shape. make an own temporary tattoo 649360

Comments are closed.