DIVERSIFICATION OF MARKETS AND PRODUCTS

DTI-EMB-1

NOONG 2018, ang 10 nangungunang export markets ay nasa 82% ng total exports. Ang merkadong ito ay ang China at Hong Kong, Germany, Japan, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, Netherlands, at USA.

“The DTI-EMB aims to further explore key emerging markets such as Africa, South Asia, Central Asia, and Eastern Europe. These markets were chosen based on the country’s economic growth, gross domestic product (GDP) per capi­ta, population, ease of doing business, political climate, and the Philippine’s trade and foreign policy directives,” saad pa ng pinuno ng DTI.

Dahil dito, nag-orga­nisa kamakailan ang DTI-EMB ng outbound business matching mission (OBMM) sa Mexico at kasalukuyang tinitingnan ang ibang misyon tulad ng India, Bangladesh, Russia, Egypt, at Ethiopia.

Sa isang konsultas­yon sa mga pribadong sektor, inirekomenda sa bansa na mag-focus sa retail at institutional packing ng food pro­ducts, PH brands, at original equipment manufacturer (OEM).

Higit pa rito, target din ng DTI na palawakin ang promosyon ng Halal at development sa pamamagitan ng pag­himok sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na mag-develop ng kanilang mga produkto at maghanap ng oportunidad sa lumala­gong demand para sa halal-certified products. Ang mga programang Halal ay ikinakalat sa mga Negosyo Centers ng DTI at iba pang regio­nal offices.

Comments are closed.