DIVERSION NG FLIGHT MULA CEBU PATUNGONG NAIA PINALAWIG PA

PINALAWIG pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diversion ng mga inbound international flights na palapag sa Mactan-Cebu International Airport patungo sa Ninoy Aquino International Airport hanggang Hunyo 12.

Ayon kay Roque, ang extension para sa flight diversion ay nakapaloob sa memorandum na pinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

“To ensure that upon resumption of international flights to Mactan-Cebu Internationak Airport, the travel and testing protocols approved by the Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases will be fully and seamlessly implemented, this office extends the diversion of international flights bound for MCIA to Ninoy Aquino International Airport until 23:59 hours of 12 June 2021,” sabi pa sa memorandum.

Pinaliwanag ni Roque na layunin nito na maayos ang pagpapatupad ng IATF arrival policy sa Cebu.

Matatandaan na ipinag-utos ng Office of the Executive Secretary ang diversion ng mga biyahe ng eroplano pa-Mactan, Cebu patungong NAIA mula Mayo 29 hanggang Hunyo 5 ng taong kasalukuyan.

Ito ay dahil sa ilang isyu kabilang na ang umano’y kakulangan ng quarantine hotels para sa mga dumarating na pasahero sa lalawigan.

Ayon kay Roque, simula Hunyo 13 ay inaasahang sisimulan na ng Cebu authorities ang pagpapatupad ng mas mahigpit na protocols ng IATF hinggil sa mga dumarating na overseas Filipino workers at returning Filipinos sa kanilang paliparan. EVELYN QUIROZ

5 thoughts on “DIVERSION NG FLIGHT MULA CEBU PATUNGONG NAIA PINALAWIG PA”

  1. 4001 865542You produced some decent points there. I looked on the internet for that difficulty and discovered many people is going together with with the internet website. 956829

Comments are closed.