NANGAKO si dating Congressman Amado Bagatsing na babawiin ang Divisoria market sa Maynila na ibinenta sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.
Ikinabigla hindi lamang ng mga vendor kundi ng buong Pilipinas ang pagkakabenta ng iconic Divisoria market sa halagang P165,000 per square meter gayong ang presyuhan ng lupa rito ay P400,000 hanggang P500,000.
Sa idinaos na forum sa Kamuning Bakery Cafe ay sinabi ni Bagatsing na naging emosyonal ang mga vendor nang malamang ibinenta ang nasabing palengke na kanilang pinaghahanapbuhayan.
Sakali aniyang palaring manalo sa pagkaalkalde sa Maynila ay ipupursige ni Bagatsing ang pagbawi sa Divisoria market.