DIVORCE BILL UMUSAD NA  SA SENADO

divorce Hontiveros

UMUSAD na sa kauna-unahang pagkakataon sa Senado ang Divorce bill.

Noong 17th congress, lumusot ang Divorce bill sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso hanggang sa third reading su­balit hindi ito nakaakyat sa Senado.

Sa nasabing pagdinig, humarap ang mga resource persons at ibinahagi sa publiko ang kanilang karanasan sa pag-aasawa.

Kabilang dito ang isang ginang na nagsalaysay ng kanyang karanasan sa kamay ng malupit niyang asawa.

Tinalakay rin sa pagdinig ang haba ng panahon at mataas na halaga na ginugugol sa annulment.

Ang panukalang diborsiyo na isinusulong nina Senador Risa Hontiveros at Pia Cayetano.

Ayon kay Hontiveros, chairman ng Senate Committee on women, children and family relation, isang makasaysayang araw para sa lahat ang pagdinig ng diborsiyo sa bansa.

Iginiit ni Hontiveros na may karapatan ang bawat Filipino lalo na ang mga kababaihan na makawala sa agresibong relasyon, at bigyan muli ng ikalawang pagkakataon para magmahal ulit. DWIZ882

Comments are closed.