DIVORCE FILIPINO STYLE

divorce

KUNG may listahan ng mga “fun facts” tungkol sa Pilipinas, hindi mawawala ang katotohanang isa tayo sa dadalawang bansa sa buong daigdig na hindi kumikilala sa diborsyo. Ang Pilipinas at ang Vatican City. Patunay itong hanggang ngayon ay hindi pa rin napaghihiwa-lay ang Simbahan at Estado ng ating bansa.

Nitong ika-4 ng Pebrero ng 2020, ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House  Bill 0100, o ang Absolute Divorce Bill isinumite ni Rep. Edcel Lagman. Layon nitong maging “pro-wo­man” ang batas, dahil bibigyan nito ng kapangyarihan ang babae na makawala sa mapang-abusong relasyon.

Isasama rito ang mga panuntunan sa pangangalaga ng mga bata, proteksyon ng kanilang legitimacy, hatian ng mga ari-arian, pati na ang suportang pinansiyal ng nagpepetisyon. Kasama rin sa bill ang mga maaaring maging dahilan upang ipetisyon ang diborsyo.

Sa ngayon, may tatlong paraan upang maghiwalay ang mag-asawa. Una ay legal separation, ikalawa ay annulment, at ang ikatlo ay nullification of marriage.

Halos pareho lamang ang mga probisyon ng nullification of marriage at divorce, subalit mas madali ang divorce process. Isa pa, sa mga annuled weddings, maituturing na “hindi kasal” ang magpartner, samantalang ang mga naghiwalay ay legal na ikinasal. Sa madaling sabi, hindi lamang ang mag-asawa ang sangkot sa problema kundi mga anak. Kung hindi kasal ang mga magulang ng bata, hindi ito lehitimong anak, at sa hatian ng mana, laging pabor ang batas sa legitimate child.

Halimbawa, matapos ang nullification of marriage nina Kris Aquino at James Yap, kinailangan ni Bimby na sumailalim sa isang proseso upang mai­deklarang lehitimong anak ng basketbolista. Sa divorce bill, hindi na kaila­ngan ito dahil mananatiling lehitimo ang mga bata kahit nagdiborsyo ang kanyang mga magulang.

Hindi mananahimik ang mga grupong nagtatanggol ng pamilya. Ayon sa Konstitusyon, ang pamilya ang pundasyon ng lipunan. Anumang batas na maglalagay sa estado ng pamilya sa alanganin ay naglalagay rin sa buong bansa sa alanganin. Madaling maghiwalay kesa mag-ayos ng problema ng mag-asawa. Kung ihaha­lintulad sa bahay, bakit pa ire-repair kung pwede namang lumipat sa bago.

Balikan natin ang kasal at kung ano ang silbi nito sa lipunan. Ang pag-aasawa ay ang pagkakaroon ng isang taong makakasama habam-buhay. Romantic, di ba? To love and to cherish, till death do us part.  Sa panahon ng mga lolo at lola natin, isa itong tradisyonal na “kasunduan”. Magulang ang naghahanap ng mapangangasawa ng kanilang mga anak, na may kaukulan pang dote (dowry).

Sa mga Chinese at Chinoy, ang kasal ay para­an upang ang mga ari-arian ay matiyak na hindi mapupunta sa hindi kasangga, upang matiyak na mabubuhay ng mariwasa ang mga susunod pang henerasyon.

Tinitiyak din ng kasal na ang magmamay-ari ng mga ari-ariang naipundar ng mga magulang ay mapupunta sa lehitimong anak. Bakit? Dahil nga kasunduan ang kasal. Pero paano na ang “pag-ibig?” Sa totoo lang, bagong konsepto lamang ang pag-ibig sa kasal. Sabi nga ni Rizal, “a little love that slowly grows and grows is all I need …”

Noong hindi pa institusyon ang kasal sa Pilipinas, ang isang tao ay maa­ring magkaroon ng anak sa sino man, at kapag namatay siya, magkakagulo ang mga anak kung sino nga ba ang may karapatan sa mga ari-ariang naiwan. Yung unang anak ba? Paano kung inilayo ito ng kaniyang ina at lumaki sa ibang ama ang kinikilala? Paano kung hindi alam ng ama na nagkaanak pala siya sa babaing dating nakasama?

Lahat ito ay naging malinaw at simple dahil sa kasal. Kung kasal ang mga magulang, may karapatan ang anak sa mana. Kung hindi, meron din naman, ngunit mas maliit kesa makukuha ng lehitimong anak.

Dahil noong unang panahon ay hindi magkahiwalay ang civil government at Simbahan, nagkaroon na rin ng kulay-relihiyon ang kasal. Layon nitong magkaroon ng kaayusan ang lipunan. Nagkaroon na rin ng mga teologia kung paanong ang kasal ay naaayon din sa batas ng Dios. Ano pa’t marami pa rin ang nag-iisip na hindi kumpleto ang kasal kung hindi ito ginawa sa Simbahan.

Subalit, kahit pa sabihing hindi pagiging relihiyoso ang dahilan ng pagpapakasal, hindi natin maikakailang nilinaw at inayos ng kasal ang          ating pamayanan. At hindi ma-iaalis na kung may mga gawaing makaaapekto rito, maaapektuhan din ang buong bansa. Kaya naman, dapat pag-isipang mabuti kung ito nga ba ang gusto nating mangyari. Sabi nga nila, mag-ingat tayo sa  ating mga hinihiling at baka magkatotoo ang mga ito. Sa huli, baka di rin natin makamtan ang ating inaasahan. Jayzl Villafania Nebre

163 thoughts on “DIVORCE FILIPINO STYLE”

  1. Howdy! Do you use Twitter? I’d like to follow you if
    that would be ok. I’m absolutely enjoying your blog and look forward to new updates.

  2. My programmer is trying to persuade me to move to .net from PHP.
    I have always disliked the idea because of the expenses.

    But he’s tryiong none the less. I’ve been using Movable-type on a number of websites
    for about a year and am concerned about switching to another platform.
    I have heard excellent things about blogengine.net.
    Is there a way I can transfer all my wordpress posts into it?
    Any kind of help would be really appreciated!

  3. Yesterday, while I was at work, my cousin stole my iphone and
    tested to see if it can survive a 25 foot drop, just so she can be a youtube sensation. My iPad is
    now broken and she has 83 views. I know this is entirely off topic but I had to share it
    with someone!

  4. 641266 427471Hmm is anyone else having difficulties with the images on this weblog loading? Im trying to figure out if its a difficulty on my finish or if it is the blog. Any responses would be greatly appreciated. 664170

Comments are closed.