DIWA NG DEMOKRASYA RAMDAM SA TRANSITION

Ramdam ang diwa ng demokrasya.

Ito ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian kasunod ng naganap na transition ng Duterte at Marcos administration.

Sinabi ni Gatchalian na ‘friendly’ ang naging transition at nakita ng sambayanang Pilipino ang diwa talaga ng demokrasya.

Ikinalugod din ng senador na natukoy ni Presidente Marcos ang mga napapanahong hamon sa kanyang inaugural speech kahapon.

Ang tinutukoy ni Gatchalian ay ang pagsali ni PBBM sa kanyang speech sa mga issue tulad ng Ukraine-Russia War, pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Napagtanto rin ni Gatchalian na sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ang bansa, nakikita ito lahat ni PBBM at Vice President Sara Duterte. LIZA SORIANO