DIWA NG PASKO!

edwin eusebio

Ilang Tulog na Lang sigaw ng mga Bata…

Pasko ay sasapit na sila’y tuwang-tuwa.

Nakikita pananabik sa kanilang Mukha,

Sa Pasko na ang dulot ay Saya at Biyaya!

 

Gayunman dapat na iisipin at huwag kaligtaan,

Ang Pasko ay Aral ng Diyos sa Sangkatauhan,

Isinugo ang Berbo sa Sabsaban isinilang…

Pagpapakumbaba na dapat tularan.

 

Ang aral nito ay malinaw…

Ano mang kayamanan maiiwan sa Ating pagpanaw…

Walang maibabaon kundi  alaala sa Mundong ibabaw.

 

Ang Maraming tao na lugmok sa kahirapan…

Bigyang pansin nawa ng mga mayayaman.

 

Ano mang material na ngayon ay Mayroon  ka..

Sa pagpanaw mo wala kang madadala,

Kundi  mag-iiwan ka ng Alaala..

Ikaw ba ay naging mabuti sa kapwa o naging gahaman at mapagsamantala.

 

Kaya nga ngayon na Kapaskuhan…

Nawa tayo ay magbigayan

Hindi man sa salapi at mga Materyal…

Kundi  ng Respeto, pagmamahal at paggalang.

 

MALIGAYANG PASKO!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.