(ni CT SARIGUMBA)
MAY mga panahong kinatatamaran natin ang mag-ayos ng tahanan. Mayroon namang pagkakataong sinisipag tayo at gustong-gusto nating pagandahin ang kabuuan ng ating bahay.
Pagiging maaliwalas at malinis, ito nga naman ang pangunahing kailangan nating siguraduhin pagdating sa ating bahay o lugar na inuuwian. Mas masarap kasing mag-relax kung malinis ito at maayos.
Kapag makulimlim ang langit, kadalasan ay nadadala tayo ng panahon at tinatamad na gumalaw-galaw. Tila ba napakasarap na lang na humilata at magtalukbong ng kumot.
Ngunit hindi naman puwedeng matulog lang tayo lalo na at may kanya-kanya tayong gampanin sa buhay. Nariyan ang trabaho at pamilya.
Kaya naman, para maiwasan ang katamaran ngayong tag-ulan, isa sa swak gawin ang magpaganda ng tahanan. Kung maaliwalas ang buong bahay ay magigising ang iyong diwa at gaganahan kang gumalaw-galaw.
Kaya para maging trendy ang tahanan kahit na maulan, narito ang ilang simpleng paraan na maaaring subukan:
HAPPY COLORS
Dahil tila nga naman nagdadamdam ang paligid at makulimlim, isa sa mainam gawin ay ang paglalagay ng happy colors sa tahanan o kuwarto.
Hindi naman kailangang magpintura pa o maglagay ng wallpaper para lang masabing may na-create kang happy colors sa isang lugar. May simpleng paraan diyan—ang paggamit ng throw pillows na bright ang kulay. O kaya naman, cushion covers na ang kulay ay matatawag o nabibilang sa happy.
Kaya kung mahilig kayo sa gray o dark hues, maaaring palitan muna ito ng mga kulay na pink o tange-rine.
Ang mga nabanggit na kulay ay masaya kaya’t makapagdudulot din ito ng ligaya sa bawat isa sa atin.
FUNKY DOORMAT
Maraming klase ng doormat ang maaari nating gamitin lalo na ngayong walang tigil sa pagbuhos ang ulan.
Nang maging trendy ang tahanan, mainam ang paggamit ng funky doormat sa labas ng bahay o may pintuan. Bukod sa magandang décor ang funky doormat, mainam din ito upang hindi makapasok ang dumi o lupang nakadikit sa sapatos o tsinelas.
Dumi at putik pa naman mula sa labas ang kalaban natin sa panahon ng tag-ulan. At kapag dumikit ito sa sahig, mahirap na itong matanggal. Maaari ring makadulas ito lalo na kung medyo basa pa.
MAGLAGAY NG WIND CHIMES
Habang nagre-relax ay napakasarap ding pakinggan ang patak ng ulan. Tila musika nga naman sa ating pandinig ang patak ng ulan. Huwag lang lalakas ng sobra.
Para lalong ma-enjoy ang nasabing panahon, maglagay ng wind chimes sa labas. Sa panahon ngayon ay napakaraming klase na ng wind chime na maaaring pagpilian. Iba’t ibang kulay. Iba’t ibang laki. Iba’t iba ring design na swak sa panlasa ng marami.
Sa mahanging panahon nga naman, nakapagdudulot ng sweet at pleasant sound ang wind chimes na nakapagdudulot ng saya sa ating kabuuan.
THIN COTTON CURTAINS
Isa pa sa nakapagpapaganda sa kabuuan ng isang lugar ang kurtina. Marami ring klase ng kurtina. May iba’t iba rin itong kulay.
Ngayong maulan ang paligid, iwasan ang mga heavy ornamental curtains at subukan o mas piliin ang light o magagaan. Ilan sa mga puwedeng pagpilian na nakapagpapagaan ng pakiramdam ang turquoise, scarlet, aqua at corn yellow.
Kaya’t sa pagpili ng kurtina, iwasan ang makakapal lalo na’t matagal itong matuyo. Mas okay o magan-dang option ang thin cotton curtains dahil bukod sa madaling matuyo, madali rin itong labhan.
MONSOON-FRIENDLY ACCESSORIES
Marami ring monsoon-friendly accessories na puwedeng ipandekorasyon sa tahanan ngayong mal-amig at basa ang paligid na nakatutulong upang magliwanag, hindi lamang ang bahay kundi maging ang inyong pakiramdam.
Para ma-enjoy ang maulang paligid lalo na kung nasa loob lang kayo ng bahay at walang trabaho, mag-lagay ng monsoon-friendly accessories gaya ng beautiful coasters, beautiful cup at saucers na kakaiba at tawag pansin ang disenyo.
Nakagagaan din ng pakiramdam ang paglalagay ng fun furniture gaya ng swing.
COFFEE AND SNACK BAR
Nakagugutom ang malamig na paligid. Kaya maganda ring maglagay ng coffee at snack bar sa isang ba-hagi o parte ng bahay. Puwedeng sa kitchen.
Maaari rin namang sa sala. O sa lugar kung saan komportable at naglalagi ang buong pamilya.
CURVED SOFAS
Nagbabago na nga naman ang paligid, gayundin ang mga bagay-bagay na ating nakagawian. Kagaya na lang ng living room.
Sa panahon ngayon, nagbabago na ang disenyo ng living room ng marami sa atin.
Mapapansing kinahihiligan na ng marami ang mga non-traditional sofa shapes o iyong mga curved sofa.
Maganda rin kasi ito sa paningin at nagkakaroon ng tila ba “kakaibang look” ang isang lugar.
Masarap ang magpaganda ng tahanan. Problema nga lang ng marami sa atin, ang kawalan ng oras at panahon.
Pero kung gugustuhin nating mag-ayos o magpaganda ng bahay, magagawa natin. At sa mga nag-iisip ng maaaring gawing design, subukan ang ilan sa mga ibinahagi namin. (photos mula sa simplycolpho-tography.com, lady-boss.pro, thewallstreetjournal at fantabulosity.com)