DIYALOGO AT DIPLOMASYA SA TENSIYON SA TAIWAN AT CHINA

NEW YORK, USA- IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalagang pairalin ang pag- didiyalogo at diplomasya sa harap ng tensiyon sa pagitan ng Taiwan at China.

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga partidong sangkot sa tension sa Taiwan Strait na magpigil at daanin sa mapayapang pamamaraan ang anumang hindi pagkakaunawaan.

Sa kanyang pagsasalita sa Asia Society meeting dito ay sinabi ng Punong Ehekutibo na diplomasya at diyalogo ang dapat pairalin sa gitna ng nararanasang tensiyon.

Sinabi ni Pangulong Marcos na hindi nagbabago ang kanyang una ng panawagan na peaceful resolution ang dapat na mangyari sa kung anomang conflict ang nagaganap sa Taiwan.

“We urge all parties involved to exercise maximum restraint. Dialogue and diplomacy must prevail. We adhere to the One China Policy and have consistently called for the peaceful resolution of the issues involving Taiwan,” wika ng Pangulo.

Pag- amin ng Presidente, concern siya sa kasalukuyang sitwasyon sa Taiwan na aniya’y malapit lamang sa Pilipinas na nasa hilagang bahagi ng bansa.

Nanindigan ang Pangulo na sa harap ng kasalukuyang pangyayari ay nasa panig siya ng One China Policy.

“We understand that peace and stability in the Asia Pacific region are also linked to the situation in the Korean Peninsula. And we are ready to play a constructive role in advancing a peaceful and denuclearized Korean Peninsula through confidence-building measures amongst the various stakeholders,” giit ng Pangulo.

Samantala, kaugnay naman sa usapin sa pagitan ng Russia at Ukraine ay hinimok din ng Pangulo ang lahat ng parties na patuloy na magpatupad ng mapayapang pamamaraan upang mapanatili ang international peace and security.

Ang Pilipinas ay bumoto sa tatlong resolusyon ng United Nations na pumapabor sa Ukraine.
“We will continue to work toward strengthening ASEAN, particularly its dialogue partnerships with neighbors that uphold regional peace and security,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ