DIYALOGO NG TRANSPORT LEADERS AT GOV’T NAGING PRODUKTIBO

PINURI  ni Senador Grace Poe ang diyalogo sa pagitan ng gobyerno at ng mga transportation leader na naging sanhi upang tapusin na ang week-long strike.

Nakipagpulong ang Manibela at PISTON, dalawang organisasyon ng jeepney driver, sa Malacañang at napagkasunduan na ibalik na ang operasyon ng mga jeep.

“We welcome the productive dialogue between the government and transport leaders that prompted the lifting of the strike,” ayon kay Poe.

“Some requirements of the modernization program have been like the sword of Damocles hanging over the heads of our drivers and operators for years,” dagdag pa niya.

Umaasa si Poe na magkakaroon ng mga konsultasyon sa pagitan ng Department of Transportation at transport groups upang maipatupad ang epektibong programa ng modernisasyon.

“Our common interest and vigilance on this issue are still a must as this will pave the way for a better, more efficient transportation system for all Filipinos.”

Nagpasalamat din si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga transport group sa nangyaring diyalogo.

“Ako’y nagpapasalamat sa kanila. Sa palagay ko naramdaman nila na they have made their point very clearly na kailangan natin tingnan at pag-aralang mabuti at balikan natin ang sistema sa pagpalit ng mga jeepney, mga bus,” ani Marcos.

“Maganda naman ang aming usapan. Nag-postpone tayo [ng consolidation] hanggang December… Sa tingin ko sapat na panahon na ‘yun para ayusin natin ang sistema sa pagpalit ng ating mga jeepney.”

Nakatada sanang matapos ang transport strike sa Marso 10.
LIZA SORIANO