DJOKOVIC BALIK SA WORLD NUMBER ONE

Novak Djokovic-3

MISTULANG malayo nang mangyari makaraang sumailalim sa elbow surgery noong Pebrero bago nawalan ng kumpiyansa, si Novak Djokovic ay sigurado nang magbabalik sa world number one.

Ang  31-anyos ay hindi na rin kinailangang magkampay pa ng raketa matapos na umatras si Rafael Nadal, na nasa top spot, sa Paris Masters dahil sa abdominal injury.

Ang pag-atras ni Nadal bago ang kanyang laban kay fellow Spaniard Fernando Verdasco ay nanga­ngahulugan na malalagpa­san siya ni Djokovic kapag inilabas ang bagong ATP rankings sa Lunes.

“It was great to be here in Paris for a couple of days and practice with the guys,” wika ni Nadal.

“But in the past few days, I started to feel a little bit (of an) abdominal (injury), especially when I was serving. I checked with the doctor and he said that he recommended to not play, because if I continued the abdominal may break and could become a major thing. And I really don’t want that.”

Ang nagbabalik na si Djokovic ay maaari nga­yong maging unang player makaraang ipakilala ang ATP rankings noong 1973 na tinapos ang taon bilang number one makaraang magsimula na nasa labas ng top 20.

Hindi naging madali para kay Djokovic ang makabalik sa itaas.

Makaraang mawala sa second half ng 2017 season dahil sa kanyang  troublesome elbow, si Djokovic  ay bumalik sa pagsisimula ng taon subalit muling naramdaman ang injury sa Australian Open sa shock defeat ni South Korean youngster Chung Hyeon.

Makaraang bumalik mula sa surgery ay nabigo siyang magwagi sa Indian Wells o Miami.

Comments are closed.