DJOKOVIC HARI NG WIMBLEDON

Novak Djokovic

NAPANTAYAN ni Novak Djokovic ang men’s record para sa pinakamaraming grand slam single’s titles makaraang gapiin si  Matteo Berrettini sa Wimbledon final  noong Linggo.

Sinamahan ng world No.1 sina  Roger Federer at Rafael Nadal sa 20 career grand slams, at sinementuhan ang kanyang sarili bilang isa aa ‘greatest players’ sa kasaysayan ng sport.

Matapos ang mahinang simula, bumawi si Djokovic upang maitakas ang 6-7 (4-7) 6-4 6-4 6-3 panalo laban sa Italian opponent at kunin ang kanyang ika-6 na Wimbledon title.

Nagwagi rin sa Australian Open at French Open ngayong taon, kailangan niya ng Olympic gold medal at US Open title upang maging unang player na nanalo ng Golden Slam.

“That was more than a battle. I’d first like to extend my congratulations to Matteo, his family and his team for a fantastic tournament. It was a tough match today,” wika ni Djokovic sa kanyang on-court interview.

“From a 7-year-old boy in Serbia constructing a Wimbledon tennis trophy from improvised materials I found in my room to standing here today with my sixth Wimbledon. It’s incredible.”

Hindi nakagugulat na kabahan si Berrettini, naglalaro sa kanyang unang grand slam final, subalit ang beteranong si Djokovic ang mistulang higit na ninerbiyos sa simula.

Sinimulan ng 34-year-old ang laro sa pamamagitan ng double fault bago nalusutan ang break-point sa kanyang unang service game.

4 thoughts on “DJOKOVIC HARI NG WIMBLEDON”

Comments are closed.