NEW YORK — Pasok sina top-ranked Novak Djokovic at world number two Rafael Nadal sa US Open tuneup tournament na lalaruin sa New York habang si Serena Williams ay nasa women’s field.
Inanunsiyo ng mga organizer ng ATP at WTA Western and Southern Open, na karaniwang nilalaro sa Cincinnati subalit inilipat sa New York ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic, ang initial singles entry lists noong Miyerkoles.
Ang torneo ay gaganapin sa August 20-28 sa isang quarantine environment na walang spectators sa National Tennis Center sa Flushing Meadows, kung saan ang Grand Slam hardcourt showdown ay magsisimula sa August 31 sa parehong mga kondisyon.
Sina Djokovic, ang reigning Wimbledon at Australian Open champion, at Nadal, ang defending US at French Open champion, ay kapwa nababahala sa pagdaraos ng US Open sa gitna ng COVID-19 outbreak sa buong United States.
Ang tanging top-10 men’s players na wala sa entry list ay sina injured Swiss star Roger Federer, ang world number four sa likod ni Austrian Dominic Thiem, at France’s ninth-ranked Gael Monfils.
Kinabibilangan din ito ni defending Western at Southern champion Daniil Medvedev, ang world number five mula Russia.
Si Federer ay nag-iingat ng record 20 Grand Slam men’s singles crowns habang si Nadal ay may 19 at nakuha ni Djokovic ang kanyang ika-17 sa kaagahan ng taon sa Melbourne.
Comments are closed.