DJOKOVIC ‘OUT’ SA MADRID OPEN

ISTANBUL – Inanunsiyo ng Madrid Open nitong Sabado na hindi lalaro si Novak Djokovic, ang No.1 ranked tennis player sa mundo, sa event dahil sa to injury-related concerns.

“Wishing you (Djokovic) a speedy recovery, we hope to see you back on court as soon as possible, Nole,” tweet ng Spanish event.

Wala nang iba pang detalye na ibinigay sa pag-atras ng Serbian superstar sa torneo.

Si Djokovic, isang three-time champion sa Madrid — 2011, 2016, at 2019 — ay mayroon nang 22 Grand Slam titles.

Hindi rin lalaro si fellow 22-Grand Slam singles winner Rafael Nadal sa Madrid Open makaraang kumpirmahin noong Huwebes na patuloy siyang magpopokus sa tuluyang pag-recover mula sa injury.

Ang 2023 Madrid Open ay nakatakda sa April 25-May 7.