DJOKOVIC UMATRAS SA FRENCH OPEN

UMATRAS si defending champion Novak Djokovic sa 2024 French Open (Roland Garros) makaraang ma-injure ang  kanang tuhod noong Martes.

“Djokovic has withdrawn from Roland Garros due to a right knee injury. Wishing Novak a speedy recovery,” pahayag ng torneo sa X.

Nakatakda sanang makaharap ng 24-time Serbian Grand Slam champion, na nanalo sa French Open noong 2016, 2021, at 2023, si Casper Ruud sa quarterfinals sa Miyerkoles.

Sa halip, umabante si Ruud ng Norway sa  semifinals via walkover.

Nitong Martes, dinomina ni Poland’s Iga Swiatek, ang  world No. 1 sa women’s singles, si Czech opponent Marketa Vondrousova, 6-0, 6-2, sa quarterfinals sa Court Philippe-Chatrier. Makakasagupa ni Swiatek, nagwagi ng French Open women’s title noong 2020, 2022, at 2023, si American third seed Coco Gauff sa semifinals.

Si Gauff ay namayani kay Tunisia’s Ons Jabeur,  4-6, 6-2, 6-3, sa women’s last eight upang makapuwesto sa semis.

Ang French Open ay matatapos sa Linggo.