DMW MAGLALABAS NG LISTAHAN NG RECRUITMENT AGENCIES

NAKATAKDANG  maglabas ng whitelists at blacklists ang Department of Migrant Workers (DMW) na maglalaman ng listahan ng mga recruitment agencies kasunod ng muling pagbubukas ng deployment sa Saudi Arabia.

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, tanging ang mga recruitment agency na mapapasama sa whitelist ang papayagan na mag-recruit ng Overseas Filipino Workers (OFWs) patungong Saudi Arabia.

Ito ay para maging tiyak na ligtas ang mga aplikante at sigurado sa ahensya.

Noong Nobyembre 7 ay binawi na na ng Pilipinas ang pinaiiral na deployment ban ng mga OFW sa Saudi Arabia. LIZA SORIANO