SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para mapabilis ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makahabol sa pagkakaantala nito bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Pangulong Marcos na kailangang sabayan ang modernization program ng military professional development.
Ayon sa Pangulo at Commander-in-Chief Armed Forces of the Philippines, “the administration’s commitment to AFP modernization extends beyond the acquisition of modern equipment.”
“Be assured that the government’s dedication to your advancement and welfare goes beyond providing modern equipment alone. We continue to prioritize retooling and retraining to arm you with intellectual fortitude, tactical prowess, and strategic acumen to thrive on the modern battlefield,” diin ng Pangulo sa ginanap na Officers Candidate Course “GAIGMAT” Class 58-2023 graduation rites sa Headquarters Philippine Army.
“Kung ano ‘yung schedule natin medyo naatras lang nang kaunti because of the pandemic. But now, we are proceeding back to our established schedule. Hopefully, we will catch up and, in a year, maybe two, we will already be back to where we were supposed to be at that time before the pandemic,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi pa nito, nakipag-usap siya sa mga commander ng AFP partikular na kay AFP chief of staff General Andres Centino bunsod ng mga pangangailangan na matugunan ang kasalukuyang mga hamon na kinakaharap ng bansa.
Dagdag pa nito, ang isa sa pinakamahalagang bagay ay ang pagsasanay sa mga miyembro ng puwersang pangseguridad.
Magsisimula na ang Horizon 3 na siyang huling yugto ng AFP modernization program na tatakbo simula ngayong taon hanggang 2028, kung saan nakapaloob ang acquisition military hardwares and armament na nakatuon para sa external defense. VERLIN RUIZ