DND ARSENAL SUMABOG, 2 PATAY

BATAAN- DALAWA katao ang nasawi habang dalawa pa ang sugatan sa pagsabog sa loob ng Department of National Defense (DND) Arsenal Camp Gen. Antonio Luna, Barangay Lamao, Limay.

Batay sa ulat mula kay Bataan Police Director Col Joel Tampis, nakilala ang mga namatay na sina Ricardo Solomon, 40- anyos na taga-Orion at Marvin Tatel, 38-anyos na taga-Alangan.

Ang mga sugatan ay sina Macreldo Rodriguez, 57- anyos at Allan Wisco, 36- anyos na kapwa taga-Lamao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pagsabog sa mixing composition building ng kampo kung saan ginagawa ang mga kemikal para sa bullet primer.

Ang mga biktimang namatay ang may hawak umano sa processing ng kemikal, habang ang mga sugatan naman ay nagkukumpuni sa hydraulics sa paggawa ng mga bala ng maganap pagsabog.

Dead on the spot ang biktimang si Tatel at namatay sa DND Arsenal Infirmary ang biktimang si Solomon habang nilalalpatan ng paunang lunas.

Ang DND Arsenal sa Bataan ay ang lugar kung saan ginagawa ang mga bala at explosives na gamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP). ROEL TARAYAO

34 thoughts on “DND ARSENAL SUMABOG, 2 PATAY”

  1. 300701 964974Aw, this was a truly good post. In thought I would like to put in writing like this furthermore – taking time and actual effort to make a really great article but what can I say I procrastinate alot and by no means seem to get something done. 708277

  2. 273002 553054This kind of publish appears to get yourself a lot of visitors. How will you acquire traffic to that? It provides a fantastic exclusive twist upon issues. I guess having something traditional or maybe substantial to give information on may be the central aspect. 740729

Comments are closed.