DND AT AFP NAGALAK SA PAGPASOK NI SEC AÑO SA NSC

DND-AFP

WELCOME sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines ang pagkakatalaga ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kay dating DILG at AFP chief of staff Eduardo Año bilang National Security Adviser (NSA) .

Naniniwala si AFP chief of Staff Andy Centino na higit na mapapalakas at mapapagana nang husto ni Sec Año ang National Security Council (NSC).

“Secretary Año will undoubtedly render his decisive, informed, and pragmatic guidance to address our country’s various security concerns.”

“The former Armed Forces Chief of Staff and Secretary of the DILG has also been a stalwart advocate of our whole-of-nation approach on national security, especially in addressing the armed conflict brought by insurgency and terrorism,” ani Defense Secretary Carlito G. Galvez Jr.

“The Department of National Defense is looking forward to working closely with Secretary Eduardo M. Año in his capacity as National Security Adviser.”

Samantala, nagpahayag din ang Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Gen. Romeo Brawner ng pagsuporta kay Sec, Año dahil sa lawak at lalim ng pamumuno nito at karanasan sa pangangasiwa particular sa mga national security issues.

Ayon kay Army spokesman, Col Xerxes Trinidad, tiyak na mapapalakas ni Sec. Año ang ahensiya na nagpapayo sa Pangulo at Commander-in-Chief sa mga isyu na may kaugnayan sa pambansang seguridad ng bansa.

Sinabi pa ni Col Trinidad, bilang mahalagang bahagi ng pagtatayo ng pagtatanggol at seguridad ng Pilipinas, ay tinatanggap ng Philippine Army ang pagkakatalaga kay Año bilang National Security Adviser.

Ang 61-anyos na retired general ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983.

Kaugnay niyan, naglingkod siya bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng administrasyong Duterte mula taong 2018 hanggang 2022.

Pinalitan ni NSA si Dr. Clarita Carlos, na bumaba sa pwesto upang ipagpatuloy ang kanyang pagpupursige sa scholastic endeavors sa Congressional Policy and Budget Research Department ng House of Representatives ng ating bansa. VERLIN RUIZ