CAMP AGUINALDO – IISA ang panawagan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sambayanan at mga sundalo na huwag sayangin ang diwa ng EDSA at ang kalayaang nakamtan ng inilunsd na bloodless revolution at magkaisa sa pagsusulong ng kapayapaan at pag-unlad ng bansa.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang makasaysayang kaganapan na ipinagdiriwang ng bansa ngayon ay simbolo ng paninindigan ng sambayang Filipino na magkaisa at magsama-sama sa ngalan ng kalayaan.
Sinabi naman ni BGen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, nanawagan ito na itakwil at labanan ang mga kasapi at liderato ng Communist Terrorist Group at Daesh-inspired Local Terrorist Groups na sumisira sa lipunan. VERLIN RUIZ