DND AT DILG SINUPORTAHAN ANG UTOS NI SEC ESPERON

SUPORTADO nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Secretary Interior and Local Government (SILG) Eduardo Año ang aksiyon ng National Telecommunication Commision na i-block ang link sa websites ng CPP-NPA-NDF nina Joma Sison at iba sa utos ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

“I am in agreement with Sec Esperon, We are not against free speech, in fact we encourage and protect it. It is disinformation against the government that we are against,” ani DND Secretary Delfin Lorenzana.

Una nang inihayag ni Esperon na mabawasan ang disinformation at maiiwasan ang recruitment sa hanay ng mga kabataan. “They are so gullible and susceptible to propaganda and disinformation,” ani Esperon

Nilinaw nitong hindi pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ang pag-restrict sa mga terrorist websites sa bansa kabilang ang dalawang online publications.

Ito ay makaraang aprobahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang hiling ni Esperon na i-restrict ng mga local Internet Service Providers ang access sa mga website na ito mula sa Pilipinas.

Paliwanag ni Esperon, malaya pa rin naman na mailalathala ng mga website na ito ang kanilang propaganda, pero hindi lang ito mapupuntahan ng mga viewer na nasa Pilipinas.

Naniniwala naman ang Philippine Army sa nasabing hakbang dahil aniya’y nagagamit ito sa panlilinlang.

Ayon kay Army spokemsan, Col Xerxes Trinidad, makatutulong ito sa giyera kontra terorista. “Medyo malaking impact ‘yun kasi wala na yung deceptive narrative na ginagawa ng kabila. Hindi naman natin sinasabi na wala ‘yung malayang pamamahayag, wag lang tayong magkaroon ng maling pamamahayag, they are still free but wag ‘yung sabihin nating deceptive strategy na ginagawa.”

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, may basehan ang desisyon ng National Security Council (NSC) at ng National Telecommunications Commission (NTC) na i-restrict ang websites ng CPP-NPA-NDF at mga affiliated groups at front organizations.

“In light of the declaration of policy of RA 11479, the resolution of the ATC, and in order to implement the same, restricting or blocking the web-sites of the declared terrorist organizations and their members are in accordance with law.”

“It cannot be denied that the propaganda contained in the terrorist websites are being used to advance the illegal cause of the terrorists, in this case the CPP-NPA-NDF, which is to overthrow the government through violent means and destroy our democratic way of life. I wish to emphasize that inciting to commit terrorism is a criminal act in Sec.9 of RA 11479, which reads: Section 9. Inciting to Commit Terrorism.- Any person who, without taking any direct part in the commission of terrorism, shall include others to the execution of any of the acts specified in Section 4 hereof by means of speeches, proclamations, writings, emblems, banners or other representations tending to the same end,” paliwanag ni Malaya. VERLIN RUIZ