NAGSANIB puwersa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of National Defense (DND) para maisaayos ang imprastraktura sa mga base militar na nakapaloob sa convergence program na “Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad” (TIKAS).
Ito ang inihayag sa isinagawang groundbreaking ceremony sa 7th Infantry Division (7ID) headquarters sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
At dito nakita ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang kakulangan sa barracks at ang mga pasilidad na kailangang ayusin para makatulong sa mga sundalo.
Ayon kay Villar, nasa P273 milyon ang pondong inilaan para sa pagsasaayos ng mga daan, gusali, at iba pang mga pasilidad.
Mababatid na ang “TIKAS” project ay bahagi rin ng “Build, Build, Build” program ng administrasyon Duterte.
Comments are closed.