DND BIBILI NG  MILITARY CHOPPER SA SOUTH KOREA

Military chopper

PINAG-AARALAN ng Department of National Defense (DND) na bumili ng mga bagong military helicopter sa Republic of Korea.

Ginawa mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pahayag kasabay nang pagbati sa bagong talagang Republic of Korea Minister of National Defense na si Suh Wook.

Ayon kay Lorenzana, plano ng kagawaran na makabili ng ilang  UH-1H at MD500 helicopters sa ilalim ng kanilang AFP Modernization program

Nabatid na kasalukuyang nasa drawing board na ang planong pagbili ng South Korean made UH-1H at MD500 helicopters.

Ayon kay Lorenzana, nasa exploratory stage pa  ang mga plano sa pagbili  ng helicopter  ang kabuuang detalye nito ay  nasa final stage partikular  ang timeline at quantity ng assets.

Gayundij, bukod sa pagbili ng mga helicopter, plano rin ni Lorenzana na magsagawa ng Joint Visual Inspection (JVI) sa fourth quarter ng 2020.

Aniya, gagawin ang Joint Visual Inspection kasabay ng pagsunod sa biosafety protocols dahil sa nararanasang COVID -19 pandemic.

Lalahukan ito ng mga kinatawan mula sa DND at Armed Forces of the Philippines (AFP). VERLIN RUIZ

Comments are closed.