DND MAY P1.5-M UNLIQUIDATED FUND

fund

CAMP AGUINALDO –  ANG kakulangan ng personal data ng mga benepisyaryo para sa kanilang financial assistance ang itinurong dahilan ng Department of National Defense (DND) kaya naitala ang unliquidated funds.

Sa official Statement ng DND, inamin nilang mayroon pang P1,545,000 na unliquidated funds ang DND.

Ito ay para sana sa mga tauhan ng DND at mga bureau nito na naapektuhan ng Bagyong Yolanda at magnitude 7.2 na lindol noong 2013.

Problema ngayon ng DND kulang ang personal data ng mga beneficiaries na ito kaya hindi agad maibigay ang financial assistance.

Nakikipag-ugnayan na nga­yon  ang  Human Resource Office  ng DND sa COA para sa tamang proseso.

Sa report ng Commission on Audit  (COA), mayroong P19.812 million na unliquidated  fund ang DND para sa taong 2018.

Subalit, ayon sa DND  PHP12.9 million sa PHP19.812 million na ito ay mula sa DENR na ipinagawa ng mga  bamboo plantation sa Fort Magsaysay Military Reservation Area habang ang iba naman ay ginagastos sa iba pang  proyekto ng DND.

Tiniyak ng DND sa publiko na nagagastos sa tamang proyekto at benepisyaryo ang mga pondong inilalaan ng gobyerno sa kanilang ahensiya. REA SARMIENTO

Comments are closed.