DND ‘NAGSAWA’ NA SA MARTIAL LAW?

CAMP AGUINALDO- MISTULANG nanawa na si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagrerekomenda para mapalawig pa ang umiiral na martial law sa Mindanao.

Ito ay nang tahasang aminin ng kalihim na awat na para sa batas militar sa nasabing rehiyon.

Paliwanag ni Lorenzana,  masyado nang matagal ang batas militar sa Mindanao.

Mas maigi anyang tapusin na ito para maituon sa iba pa ang kanilang trabaho partikular ang pagpupursige sa senado at kongreso na maipasa ang Human Security Act.

Naniniwala ang kalihim na kapag naipasa ang human security act ay mas epektibo ito sa Martial law.

Sa kabila na gusto ng kalihim na wala nang extension sa martial law sa Mindanao, nakadepende naman daw sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police kung may extension o wala ang umiiral na Martial law.

Ang Martial law sa Mindanao ay magtatapos na sa December 31, 2019, na ideneklara ng gobyerno noong 2017 matapos masakop  ng Maute terrorist group ang Marawi City. REA SARMIENTO

Comments are closed.