DND SEC. LORENZANA, PNP CHIEF GEN.  GAMBOA NEGATIBO SA COVID-19

LORENZANA and Gamboa

PAWANG  negatibo sa coronavirus disease $COVID-19) sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at PNP Chief,  Gen. Archie Gamboa.

Inihayag mismo ito ng dalawang opisyal matapos na matanggap ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Sinabi ni Lorenzana na dalawang beses siyang nagpa-COVID test para makasiguro at kapwa nga negatibo ang resulta nito.

Pero, sinabi ng kalihim na batay sa payo ng kanyang doktor ay kukumpletuhin niya pa rin ang kanyang home quarantine hanggang Abril 16.

Matatandaang  boluntaryong sumailalim si Lorenzana sa home quarantine noong Marso 27  matapos matanggap ang balita na positibo sa COVID-19 si AFP Chief Gen. Felimon Santos Jr.

Nakasama kasi ng kalihim si Santos sa dalawang okasyon noong Marso 21 at Marso 22.

Si Gen. Santos ay patuloy na naka-home quarantine sa kanyang quarters sa Camp Aguinado.

Samantala noong Martes ng hapon ay inamin ni Interior Secretary Eduardo Ano na positibo siya sa sakit at ngayon ay naka-self quarantine.

Gayunman,  tuloy ang kaniyang trabaho kahit ito ay hindi lumalabas ng kuwarto. REA SARMIENTO

One thought on “DND SEC. LORENZANA, PNP CHIEF GEN.  GAMBOA NEGATIBO SA COVID-19”

Comments are closed.