MAKATI CITY – NAGSANIB ang 11 organization kamakailan para sa kampanya na naglalayong himukin ang Filipino na suportahan ang family planning at reproductive health (RH) sa ilalim ng “Do It Right” slogan.
Batay sa opinion polls, mayroon nang 70 percent ng Filipino ang sumusuporta sa family planning at sa inisyatibo nito gaya ng Responsible Parenthood at RH Law.
Ang Do It Right campaign ay dinesenyo para himukin ang lahat na ibahagi ang kanilang paniniwala para sa pagpaplano ng pamilya gayundin ang proteksyon sa sarili.
Sinabi ni Benjamin de Leon, co-organizer at pangulo ng The Forum for Family Planning and Development (TFPD) na gamitin ang social media para ihayag ang kanilang paniniwala.
Bukod sa social media, maaari rin aniyang tool ang festival events at maging ang advertising sa traditional media gaya ng billboards, print and radio.
Inilunsand din ng coalition ang Facebook page na www.facebook.com/DoItRightPH na magiging focal point para sa pagsulong ng kampanya. EUNICE C.
Comments are closed.