DO-IT-YOURSELF TINY HOME

Ano ba ang tiny house? Simple! Maliit na bahay. Hindi po yung bahay kubo kahit munti na na-discuss na natin noong isang linggo. Ang pinag-uusapan po natin dito ay maliit na bahay na yari sa kahoy at semento. Maliit siya, pero maganda at presentable, at kasyangkasya sa pamilya, kahit pa marami kayo.

Kelan ba nauso ang tiny house? Ngayon sigu­ro, lalo na sa Metro Manila, dahil napakamahal naman talagang magpagawa ngayon ng bahay. Isa itong architectural at social movement na humihikayat sa lahat na mamuhay ng simple sa isang munting tahanan.

Sabi nga sa kanta, a home is not a house and a house is not a home, lalo pa kung hindi nagkikita-kita ang mga nakatira sa mismong tirahan nila. Sa ngayon, walang eksaktong depinisyon kung ano nga ba ang tiny house. Gayunman, ang residential structure na hindi aabot sa 500 square feet (150 sqm) ay matatawag na tiny home. Actually, malaki na nga ‘yon, lalo pa at napakamahal magpagawa ngayon ng bahay. Ang row-houses nga ay 18-36 square meters lamang ang laki. Yun sigu­ro ang matatawag nating tiny house. Ipino-promote ngayon sa Pilipinas ang maliliit na bahay dahil mas mura ito, mas eco-friendly, may shared community experiences, at nakapagbibigay pa ng trabaho sa mga naninirahan.

Dahilan upang tumira sa maliit na bahay

Syempre, masarap tumira sa malaking bahay. Feeling rich ka. Pero afford mo ba? Meron ka bang milyon-milyon para magpagawa ng napakalaking bahay? Aba, kung wala, pagtiyagaan mo na lang ang tiny home. Mabuti na sa wala.

Pero actually, maraming benefits ang tiny house. Isa na rito ang environmental concerns, financial concerns, at ang paghahangad na matapos ito nang mabilisan para magkaroon ka na ng sari­ling bahay. Sabi nga ng nanay ko, patay na pera ang bahay. Oras na gastusin mo ang pera sa bahay, magde-depreciate na ito at hindi pa kumikita, kum­para kung ilalagay mo ito sa negosyo. Sa halip na magpagawa ka ng mala­king bahay, sikapin mo na lang magkaroon ka ng “tiny roof over your head” at ang matitipid mo ay gamitin mo sa negosyo. Kasi naman, kung magpapagawa ka ng maliit na bahay, pwedeng gumastos ka lamang ng P300,000 hanggang P500,000 samantalang kung medyo malaki (100 sqm and above), ihanda mo na ang milyones. Doblehin mo pa, dahil may mga extra gastos pang hindi inaasahan.

 

Tiny House vs malaking bahay

Kunwari nagawa na ang tiny house mo na nagkakahalaga ng P300,000. Gaano kaya kamahal ang maintenance nito kumpara sa malaking bahay?

Ilaw pa lang, hihimatayin ka na sa bill kung malaki ang bahay mo. Bawat kwarto, may dalawang ilaw, pwera pa sa banyo, kusina, li­ving room, dining room at kitchen. Idagdag mo pa ang mga appliances tulad ng aircon, refrigerator, washing machine, convection oven, microwave oven, rice cooker, water heater at iba pang maliliit na gadgets, baka abutin ka ng P4,000 to 5,000 per month. Pero kung mallit lamang ang bahay ninyo, pwedeng isa na lang ang ilaw sa kitchen at dining room, at shares na rin sa living room.

Bukod dyan, mahal ang buwis ng malaking bahay, pati na ang maintenance taon-taon. Yun ang dahilan kaya popular ngayon ang tiny home.

Magkano ba talaga ang maliit na bahay?

Ang maganda sa maliit na bahay ay pwede itong gawin batay sa pa­ngangailangan ng pamilya. Halimbawa, apat ang anak ng isang mag-asawa, pwedeng dalawang maliit na silid lamang meron ang tiny house, kung saan ang apat na anak ay nasa isang silid na ang tulugan ay double deck. Sa master’s bedroom naman matutulog ang mag-asawa. Sa living room, pwedeng sofa bed ang gamitin, para pag may bisita, may matutulugan. Sa kitchen/dining room naman, pwedeng gumamit ng folding table na ititikom pagkatapos gamitin. Syempre, isa lang ang banyo at toilet.

I-maximize ang storage space

Kung maliit ang bahay mo, dapat, minimalist ka at well-organized. Pero kailangan mo pa rin ang ilang clever tricks. Halimbawa, sa kitchen, kaila­ngang maraming hanging cabinets na siyang lalagyan ng lahat ng panga­ngailangan sa pagluluto at magsisilbi na ring platera (lalagyan ng plato, baso at iba pa.)

Sa banyo, may mga hanging cabinets din na lalagyan ng mga tuwalya, shampoo, sabon, lotion at kung anu-ano pa.

Sa silid ng mga bata, gawing pull-cabinets ang ilalim ng kama. Apat na drawers bawat ilalim ng kama para walang masa­yang na space.  Ang pagitan naman ng mga kama ay pwedeng gawing study nook. Lagyan ng bintana para matipid sa ilaw kung araw, at lagyan din ng hanging cabinets na lalagyan naman ng mga libro, school bags at iba pang kagamitan sa pag-aaral. Lagyan din ng built-in cabinets ang natitira pang space para sa mga damit na kailangang ilagay sa hanger.

Sa halip na dingding, hatiin ang bahay gamit ang mga room dividers na pwedeng tiklupin kung kinakailangan ang malaki-laking space. Nagbibigay ito ng privacy kahit paano. Pwede ring gumamit ng glass panels.

Ngayon, saan mo ilalagay ang washing machine at microwave oven? Simple lang. Syempre, kailangan ninyo ng sink. Ilagay ang washing machine sa ilalim ng sink, at ang microwave oven naman ay sa built-in hanging cabinet. Itago ang iba pang kitchen gadgets sa mga built-in cabinets at ilabas lamang kung kailangan.

Sa pintura naman, su­bukan ninyo ang puti para mukhang malaki at maliwanag ang bahay ninyo. Gamitin ang lahat ng space bilang storage kahit pa ang ilalim ng sofa o mesa. Kung marami kayong libro at wala kayong lalagyan, hanging corner shelf ang sagot diyan. Gamitin ang lahat ng space na makikita ninyo.

Kung sa sobrag liit ng bahay ninyo ay wala kayong dining room, gamitin ang bintana. Lagyan ng foldable table, at buksan lamang ito kapag kakain. Syempre, isara pag tapos nang kumain.

Pros and Cons ng pagtira sa Tiny House

Unahin natin ang pros. Una, malaki ang matitipid, at maliit din ang commitment sa mortgage. Magagawa mo ang gusto mo sa bahay mo – pwede pa ngang ikaw minsmo ang mag-design. Sa cons naman, masikip, syempre at konti lang ang privacy.

Gusto ko sanang sabihing – “o pa’no, kayo na ang mag-decide” pero sa panahon ngayon, wala naman kayong choice. Pangmaliit na bahay lang talaga ang kaya ng badyet natin lalo pa at wala namang nagtatrabaho sa abroad. Okay lang yan. Sabi nga nila, simplicity is beauty. NV

4 thoughts on “DO-IT-YOURSELF TINY HOME”

  1. 922663 326683Hey! Im at work surfing around your weblog from my new apple iphone! Just wanted to say I love reading by means of your blog and appear forward to all your posts! Maintain up the outstanding function! 652537

  2. 190597 54252Thank you for the auspicious writeup. It in reality was a amusement account it. Appear complicated to far delivered agreeable from you! Even so, how can we maintain in touch? 355145

Leave a Reply

Your email address will not be published.