UMAASA ang De La Salle na matuldukan ang mga nalasap na kabiguan laban sa Far Eastern University sa elimination games sa playoff para sa nalalabing Final Four berth sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.
Sasalang ang Green Archers sa 3:30 p.m. match bilang underdogs nang matalo sa kanilang huling dalawang laro matapos na makalapit sa isang semifinals spot.
Nagbabadyang maagang magbakasyon, ang Tamaraws ay nanalo ng tatlong sunod upang maisalba ang kanilang season na dapat sana ay isa sila sa mga paborito para sa korona.
Ang mananalo sa La Salle-FEU match ay makakasagupa ng defending champion at twice-to-beat Ateneo sa semis sa Linggo, alas-3:30 ng hapon, sa Big Dome.
Na-split ng Tamaraws at Archers ang kanilang elimination round head-to-head ngayong season.
Ang FEU at De La Salle ay tabla sa University of the Philippines sa 8-6, subalit pumasok ang Fighting Maroons sa semifinals sa bisa ng superior quotient laban sa Tamaraws at Archers.
Makakaharap ng UP, nasa kanilang unang Final Four appearance magmula noong 1997, ang No. 2 Adamson University sa Sabado, alas-3:30 ng hapon, sa Mall of Asia Arena.
Batid ni coach Olsen Racela na makakabangga ng FEU ang De La Salle side na nagtatangkang makabawi matapos ang back-to-back defeats.
“It’s going to be a tough matchup since Taane Samuel is back in their lineup giving them a wide body. But Prince Orizu is back as well for us, so that should help us match up with them. They have a lot of weapons and we have to come in ready for the game,” ani Racela.
Subalit magmula nang bumalik si Samuel makaraang mawala sa malaking bahagi ng season dahil sa foot injury, ang Archers ay yumuko sa Blue Eagles at Fighting Maroons.
“We need to integrate Taane and use it to our advantage, not to our disadvantage. Once he’s playing, he should be stronger. The four guys around him need to figure out also what are the adjustments. Taane is unlimited. He can do a lot of things but the one thing that we need to figure out is what’s the best he can do for our team,” wika ni La Salle coach Louie Gonzalez.
Comments are closed.