MAGSASALPUKAN ang Far Eastern University at University of Perpetual Help System Dalta habang magsasagupa ang fabled rivals Ateneo at La Salle collide sa pares ng sudden deaths para sa isa pang final berth sa women’s at men’s sides, ayon sa pagkakasunod, sa V-League Collegiate Challenge ngayong Linggo sa Paco Arena.
Balik ang porma ng Lady Tamaraws na nagbigay sa kanila ng No. 1 ranking sa preliminaries, dinispatsa ang Lady Altas, 23-25, 25-23, 25-17, 25-13, noong Bi- yernes upang ipuwersa ang 2 p.m. decider sa kanilang best-of-three playoff.
“Ang mindset siguro is gagawin naming doble, o kung kaya triple o higit pa, yung init.
Kasi for sure ‘yun din ang mararamdaman ng Perps, sino ba naman ang gustong natalo, ‘di ba,” sabi ni FEU interim coach Manolo Refugia.
Subalit asahan na gagawa rin ng kinakailangang adjustments ang Lady Altas, na sinorpresa ang Lady Tamaraws sa opener, 25-21, 28-26, 26-24.
Ang mananalo ay makakaharap ng NCAA holders College of Saint Benilde sa gold medal round simula sa Miyerkoles.
Winalis ng Lady Blazers ang University of the East, 25-21, 25-13, 25-10, noong Bi- yernes upang kunin ang unang Finals seat.
Inaasahang magig- ing mainit ang 4 p.m. duel sa pagitan ng Blue Eagles at ng Green Spikers.
Sasandal ang La Salle sa momentum ng kanilang 25-21, 25-21, 25-21 panalo sa Game 2 noong Biyernes.
“Lagi kong sinasabi sa kanila nagagawa natin sa training, and the least I could do is ‘yung trust ko sa kanila, ‘yung belief ko na nagagawa natin kahit ano pa ‘yung gusto natin,” sabi ni acting Green Spikers coach Jose Roque.
Ang mananalo ay makakabangga ng University of Santo Tomas, na pinataob ang FEU sa isa pang semis pairing, para sa best-of-three finals series simula sa Miyerkoles.