NALUSUTAN ng FEU Lady Tamaraws ang mabagal na simula at nadominahan ang closing stretch upang gulantangin ang top-seeded Ateneo de Manila University sa UAAP Season 81 Final 4 kahapon sa Mall of Asia Arena.
Bunga nito ay naipuwersa ng FEU ang deciding game para sa isang puwesto sa Finals sa Miyerkoles, Mayo 8, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Humataw si graduating opposite hitter Heather Guinoo ng 17 points mula sa 8 attacks, 5 aces at 4 blocks, upang tulungan ang kanyang koponan na makaiwas sa pagkakasibak.
Matapos ang dominant 25-10 opening set ng Ateneo, umatake ang FEU upang kunin ang sumunod na dalawang sets, 25-23, 25-22.
Nag-regroup ang Lady Eagles at kinuha ang fourth set sa 25-12 blitz.
Kumulapso ang Ateneo sa payoff frame kung saan pinangunahan ni Net Villareal ang krusyal na 4-0 run ng FEU para sa 7-5 kalamangan.
Ang sunod-sunod na errors ng Lady Eagles, na sinamahan ng timely smash mula kay graduating Jer Malabanan ang nagselyo sa panalo ng FEU.
Comments are closed.