“KAILANGAN na nating lahat na mag-doble ingat dahil patuloy ang pagsipa ng COVID-19 sa bansa”.
Ito ang panawagan ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa lahat sa panayam sa radyo nitong Sabado lamang.
“The government can only so much, nasa atin na talaga ang pag-iingat at pagsunod sa mga health protocols,” ayon kay Cong. Yap.
Aniya, “7,999 nahawa in one day which is very high. Kaya kung hindi naman importante wag na muna lumabas ng bahay for two weeks o hanggang di bumababa itong virus”.
Dagdag pa ni Yap, tulungan ng mga tao ang gobyerno na mapigilan ang pag kalat ng coronavirus.
“Ginagawa ng pamahalaan ang lahat mula sa pagpapatupad ng health protocols hanggang sa pag-aangkat ng bakuna. It’s time we do our share – stay at home,” wika pa ni Yap. PMRT
575449 992181I definitely did not realize that. Learnt something new nowadays! Thanks for that. 526236