DOBLE PONDO SA MSMEs

Trade Secretary Ramon Lopez

NAIS ng Department of Trade and Industry (DTI) na doblehin ang pondo nito para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa P4 billion sa susunod na taon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon M. Lopez, ang kanyang ahensiya ay humihingi ng 35.14 porsiyentong pagtaas sa budget. Kapag naaprubahan, tataas ang pondo ng DTI sa P7 billion mula sa P5.18 billion ngayong taon.

“Yes, of course, [we asked for an increase],” wika ni Lopez.

Aniya,  kailangan ang dagdag na budget upang mapagbuti ang mga programa at serbisyo ng ahensiya, partikular sa micro-finance, shared service facilities (SSF), exports promotion at consumer protection.

Sa panukalang P7 billion budget, sinabi ni Lopez na P4 billion ang ilalaan sa pagpapaunlad ng MSMEs. Ito ay halos doble ng alokasyon na P2.25 billion para sa  MSMEs ngayong taon.

Ang budget ay maaari ring umabot sa hanggang P13 billion kapag naaprubahan ang kahilingan ng kalihim na dagdagan ang funding para sa e Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) program. Ipinanukala ng trade chief  ang paglalaan ng P6 billion para sa loan service ng gobyerno, na sinuportahan ng pagnanais ni Presidente Duterte na maglaan ng P4 billion para sa microfinance.

“With the President’s desire to intensify support to MSMEs, there would be additional budgetary support [for them],” ani Lopez said.

Gayunman, ang problema ay nakapagsumite na ang DTI ng budget proposal bago nagpasiya ang Pangulo na magdagdag ng pondo para sa P3 program.

“The budget for next year has been submitted, and it did not reflect the P4 billion [stated by the President],” paliwanag ni Lopez. ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.