SA TOTOO lang, ang laking ginhawa ng pagbaba ng presyo ng kuryente ngayong buwan ng Mayo. Bakit? Aba, mas hindi naba-bagabag ang aking konsiyensya pati na rin ang aking bulsa dahil maaari ko nang tagalan ang paggamit ng aming aircon upang maibsan ang matinding init dulot ng summer. Mahirap nang magtiis at baka matuyot pa ako o ma-heat stroke. Tiyak na mas ma-laking gastos iyong pang-ospital ‘di ba? Kuryente o ospital, pumili ka. Bayad sa kuryente o bayad sa ospital? Medyo malaki naman ang ibinaba ng kuryente ngayong buwan e. Ayon sa anunsiyo ng Meralco kamakailan lamang, bumaba ng Php0.54 kada kilowat-thour ang singil ngayong buwan. Napakaganda ng tiyempo!
At eto pa! Akala ko doon na magtatapos ang magandang balita na matatanggap natin mula sa Meralco. Kahapon, dumating ang Meralco bill ng kapatid ko. Akala namin nu’ng una ay may problema sa kanyang bill o baka sa metro dahil bagama’t may tao sa bahay at may konsumo namang nakasaad sa bill, nagulantang sila na wala silang babayaran sa Meralco ngayong buwan. Buti na lang at ugali ng kapatid ko na basahin pati ang likod ng electric bill kaya nakita niya na nakasaad doon kung magkano dapat ang bill nila ngayong Mayo. Nagkaroon pala ng refund bunsod ng Annual Update of Bill Deposit o ‘yung tinatawag na AUBD.
Upang makasiguro at maging mas malinaw, siyempre isinangguni nila ito sa Meralco. Sa paliwanag ng mga tao sa Meralco, mas malaki raw ang halaga ng depositong nakalagay sa account ng aking kapatid nang ikinumpara ito sa kanilang naging aktwal na na-konsumo sa bill noong nakaraang taon. Bunsod nito, isinauli ng Meralco ang sobrang deposito sa pamamagitan ng pagkaltas sa bill ng aking kapatid. May natitira pang nasa humigit kumulang isang libo na awtomatik daw na ipapasok sa bill nila sa buwan ng Hun-yo.
Ngayon ko lang napansin na ina-update pala ng Meralco ang bill deposit ng mga customer alinsunod sa nakasaad sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers sa ilalim ng Article 28 ng Chapter III na ukol sa obligasyon ng mga konsyumer. Ang halaga ng bill deposit at ng average na halaga ng mga bill sa isang buong taon ang ginagamit ng Meralco na basehan para sa update na ito. Kapag lumagpas ng 10% ang pagbabago sa average na bill ng isang customer, ibig sabihin ay kakailanganing i-update ang bill de-posit nito. Ang pag-update ng bill deposit ay may iskedyul na nakaayon sa buwan kung kailan nag-umpisa ang kontrata ng isang customer sa Meralco. Mahirap nga naman kasi kung sabay-sabay tayong lahat at marahil, ito ay para rin mas madaling matandaan.
Sa kaso ng aking kapatid, sobra ang depositong hawak ng Meralco kumpara sa average ng aktuwal na bills nito kaya nagkaroon ng refund. Kaso kabaligtaran naman ‘ata ang nangyari sa isang kababayan nating si Ginoong Renato Jr. Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN). Narinig ko na nagrereklamo si Ka Nato sa kanyang bill deposit. Base sa eksplanasyong nakuha ko mula sa Meralco at mula rin sa paliwanag ng tagapagsalita nito na si Joe Zaldarriaga, tila mas malaki ang average ng kanyang aktuwal na bills kumpara sa deposito nito na nasa Meralco kaya kailangan niyang magdagdag ng deposito. At hindi lang ito kay Ka Nato kundi sa lahat ng mga customer.
Sa totoo lang, wala naman tayong magagawa ukol dito dahil alinsunod naman pala ito sa batas. Wala ring magagawa ang Meralco kundi ang sundin ang mga probisyon na nakasaad sa Magna Carta for Residential Electric Consumers dahil kung hindi, sila naman ang malalagot sa Energy Regulatory Com-mission (ERC) na siyang gumawa ng mga probisyon na ito.
Kung nagkataon kaya na refund, magrereklamo pa rin kaya si Ka Nato? Sasabihin pa rin kaya niya na pabigat ito sa mga customer? Hindi naman puro dagdag deposito ang update ng bill deposit. Parang sa eleksiyon lang ‘yan e. Kung may dagdag, eh ‘di mayroon ding bawas.
Alam n’yo, pera pa rin naman nating mga konsyumer ang depositong nakapasok sa ating account sa Meralco. Puwede itong makuha kung tatapusin na ang kontrata sa Meralco. Puwede rin namang si-kapin na makabayad ng hindi lalampas sa nakasaad sa na-katakdang araw ng bill sa loob ng tatlong taon kung nais ninyong makuha nang buo ang deposito kasama na ang interes nito nang hindi kina-kailangang tapusin ang kontrata sa Meralco.
Mainit na ang panahon kaya huwag na tayong dumagdag pa. Hay! Nakakalito naman. Kapag hindi su-munod sa batas, galit ang tao. Kapag sinunod ang batas, galit pa rin? Ano ba talaga, kuya?!
Comments are closed.